Friday, August 8, 2025
BasketballGilasGilas Pilipinas Bigong Muli sa 2025 FIBA Asia Cup, Pinadapa ng New...

Gilas Pilipinas Bigong Muli sa 2025 FIBA Asia Cup, Pinadapa ng New Zealand

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Bigo ang Gilas Pilipinas na masungkit ang una nitong panalo sa 2025 FIBA Asia Cup nang padapain ito ng New Zealand, 94-86, sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Huwebes ng gabi.

Gaya sa laro nila kontra Chinese Taipei, halos buong laro naghabol ang Pilipinas matapos lamangan ng siyam na puntos ng Tall Blacks sa first quarter. Lumobo naman ang kalamangan ng New Zealand sa second quarter, kung saan kumamada sila ng anim na three-point shot upang lumamang ng 18 sa iskor na 55-37.

Sa kabila nang maagang pagkatambak, mas maganda ang simula ng Gilas kontra New Zealand. Sa katunayan, 16-14 pa ang tala may apat na minuto pa ang nalalabi sa unang yugto bago tuluyang umalagwa ang New Zealand sa likod ng kanilang mainit na shooting sa tres at malamyang depensa ng Gilas.

Dwight Ramos, Justin Brownlee Binigyang Buhay ang Gilas

Bagaman tambak matapos ang unang 20 minuto ng laro, nagawa namang humabol ng Gilas Pilipinas sa ikalawang bahagi ng laro nila kontra New Zealand.

Sa pamumuno nina Dwight Ramos at Justin Brownlee, nagawang maibaba ng pambansang koponan ang kalamangan sa apat, 68-64, matapos pumukol ng isang tres si Brownlee. Sa kabuuan, tig-10 puntos ang kinamada nina Ramos at Brownlee sa ikatlong yugto para pangunahan ang paghabol ng Gilas.

Patuloy humabol ang Gilas sa ikaapat na yugto at naibaba pa ang lamang sa 85-82 nang ipukol ni Brownlee ang kaniyang ikaasiyam at huling tres.

Subalit may sagot muli ang New Zealand sa katauhan ni Taylor Britt, na pumukol naman ng dalawang magkasunod na lay-up upang ibalik ang kalamangan ng New Zealand sa 89-82.

Kailangang Manalo Kontra Iraq Upang Magpatuloy sa 2025 FIBA Asia Cup

Pinangunahan ni Brownlee ang Gilas sa kaniyang 37 puntos, samantalang nagtala si Ramos ng 19 habnang 11 naman kay June Mar Fajardo. Nanguna naman si Jordan Ngatai para sa New Zealand matapos tumabo ng 22 puntos. Nagdagdag naman si Taylor Britt ng 19 puntos at  8 na pasa, samantalang kumamada si Flynn Cameron ng 12 puntos at si Mojave King ng 11.

Sa kanilang panalo, umangat sa 2-0 ang New Zealand sa kanilang kampanya sa 2025 FIBA Asia Cup. Lalabanan nito ang Chinese Taipei upang malaman sino ang mamumuno sa Group D at didiretso sa quarterfinals.

Sa kanila namang pagkatalo, kailangang talunin ng Gilas ang Iraq sa Sabado kung gusto pa nitong manatili sa 2025 FIBA Asia Cup.

Fantasy games are like being a team manager: pick real players and their stats become your score. Try this awesome Philippines Daily Fantasy game with PBA and MPBL players! (Click here to play)

- Advertisement -spot_img

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Martin Dale D. Bolima
Martin Dale D. Bolima
Martin is an avid sports fan with a fondness for basketball and two bum knees. He has been a professional writer-editor since 2006, starting out in academic publishing before venturing out to sportswriting and into writing just about anything. If it were up to him, he’d gladly play hoops for free and write for a fee.

Subscribe to the Rebanse Newsletter

- Advertisement -spot_img

Latest Article