Sunday, August 10, 2025
BasketballGilasGilas Pilipinas Wagi Kontra Iraq, Nasungkit ang Unang Panalo sa 2025 FIBA...

Gilas Pilipinas Wagi Kontra Iraq, Nasungkit ang Unang Panalo sa 2025 FIBA World Cup

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Naitala ng Gilas Pilipinas ang una nitong panalo sa 2025 FIBA Asia Cup sa Jeddah, Saudi Arabia nitong Sabado ng hapon nang pataubin nito ang Iraq, 66-57.

Gaya sa mga una nitong pagkatalo sa Chinese Taipei and New Zealand ay naging masama nanaman ang panimula ng Gilas matapos umalagwa agad ang Iraq sa unang yugto ng laban. Pinangunahan ni Ali Ismael ang mainit na simula ng Iraq ng pumukol ito ng tatlong tres upang bigyan ng 18-12 na kalamangan ang Iraq. Samantala, lima lamang sa 15 tira ang naipasok ng Gilas sa kanilang masamang panimula.

Agad rin namang bumawi ang Gilas Pilipinas sa unang yugto sa pangunguna naman nina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, at CJay Perez, na nagtulong-tulong upang maitabla ng Gilas ang laro matapos ang unang 20 minuto.

Ang Pag-Alagwa ng Gilas Pilipinas

Naghahabol pa rin ang Gilas Pilipinas sa unang minutong ng ikatlong yugto, 35-33, nang sinikipan nito ang depensa at nag-init naman si Dwight Ramos. Sa pangunguna ni Ramos, nagpakawala ang Gilas Pilipinas ng 11 sunod na puntos, kabilang ang dalawang tres mula kay Ramos at isa naman galing kay Justin Brownlee.

Gilas Pilipinas
Photo Credit: FIBA

Nagpatuloy ang mainit na laro ng Gilas sa ikatlong yugto, kung saan nakapagtayo ito ng 18 na kalamangan. Sa kabuuan ay nagtala ang Gilas Pilipinas ng 22 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan nila ang Iraq sa 7 puntos lamang.

Bahagya namang humabol ang Iraq sa ikaapat na yugto ng laro at lumapit pa sa 57-50. Subalit pumukol ng isang tres si Calvin Oftana upang ibalik ang kalamangan ng Gilas Pilipinas sa 60-50. Hindi na muling nakalapit pa ang Iraq.

Pinangunahan ni Ramos ang Gilas sa kaniyang 21 points, 12 dito sa ikatatlong yugto. Nagdagdag naman si AJ Edu ng 9 puntos, 7 rebounds, 3 agaw, at 2 tapal, samantalang 8 puntos, 7 rebounds, 4 pasa naman ang naitala ni Brownlee.

Nagtala naman si Ismael and Thulfigar Hammoodi ng tig-13 puntos para sa Iraq, samantalang 12 puntos naman si Demario Mayfield. Nagtala naman si Ihab Al-Zhuhairi ng 8 puntos at 10 rebounds.

Sunod namang kakalabanin ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia sa isang knockout game, kung saan ang mananalo ay makakapasok sa quarterfinals kalaban ang Australia.

Mga Puntos:

Gilas (66) – Ramos 21, Edu 9, Brownlee 8, Tamayo 6, Fajardo 6, Newsome 4, Quiambao 4, Perez 3, Oftana 3, Aguilar 2, Thompson 0

Iraq (57) – Hammoodi 13, Ismael 3, Mayfield 12, Al-Zuhairi 8, Abdullah 5, Al-Khafaji 4, Alibraheemi 2, Abbas 0, Al-Musawi 0, Alqarnawi 0, Abdul Allah 0

Fantasy games are like being a team manager: pick real players and their stats become your score. Try this awesome Philippines Daily Fantasy game with PBA and MPBL players! (Click here to play)

- Advertisement -spot_img

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Martin Dale D. Bolima
Martin Dale D. Bolima
Martin is an avid sports fan with a fondness for basketball and two bum knees. He has been a professional writer-editor since 2006, starting out in academic publishing before venturing out to sportswriting and into writing just about anything. If it were up to him, he’d gladly play hoops for free and write for a fee.

Subscribe to the Rebanse Newsletter

- Advertisement -spot_img

Latest Article