Wednesday, August 6, 2025
BasketballGilasWalang Gilas: Pinas Taob Kontra Chinese-Taipei sa Panimula ng 2025 FIBA Asia...

Walang Gilas: Pinas Taob Kontra Chinese-Taipei sa Panimula ng 2025 FIBA Asia Cup

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Pinataob ng Chinese Taipei ang Gilas Pilipinas, 95-87, sa kanilang unang laro sa 2025 FIBA Asia Cup na ginanap noong Miyerkules ng umaga sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.

Mainit ang naging panimula ng Chinese Taipei, na nagtala ng 27 puntos sa unang yugto at nilimitahan naman ang Pilipinas sa 16 puntos lamang. Pinamunuan ni Ying Chun Chen ang mainit na simula ng kaniyang koponan nang tumabo ito ng 11 puntos sa unang walong minuto ng laro, kung saan umabante agad ang Chinese Taipei sa iskor na 23-8.

Sinikap naman ni Justin Brownlee na maibalik ang Gilas nang mag-ambag ito ng 16 na puntos sa unang 20 minuto ng laro.

Photo Credit: FIBA

Ying Chun Chen, Chinese Taipei Nagpakitang Gilas sa Gilas Pilipinas

Makailang beses ring sumubok ang Gilas Pilipinas na humabol sa Chinese Taipei sa dalawang huling yugto ng laro, subalit lahat ng paghabol nito ay paulit-ulit na binigo ng mga Taiwanese sa pamumuno ni Chen, na nag-ambag pa ng 23 puntos para sa kabuuang 34.

Lalo pang lumala ang sitwasyon para sa Gilas sa huling apat na minuto ng laro nang makuha Brownlee ang kaniyang ikalima at huling foul habang binabantayan si Chen. Anim na puntos na lang ang lamang ng Chinese Taipei noong puntong iyon, 80-74, matapos kumamada ng isang tres Kevin Quiambao. Ngunit agad tinapatan ito ni Chen nang kaniyang ikaanim na tres upang muling ibalik sa siyam ang kalamangan ng Chinese Taipei, 83-74.

Sa kabuuan, anim sa walong tira ni Chen mula sa tres ang kaniyang naipasok upang pumunuan ang Chinese Taipei. Nag-ambag naman si naturalized center Brandon Gilbeck ng 16 puntos at 9 rebounds, habang may tig-14 puntos sina Robert Hinton at Ting-Chien Lin. Nanguna si Brownlee para sa Gilas sa kaniyang 19 puntos, na sinundan ng 17 puntos ni Quiambao. Nagdagdag naman sina Scottie Thompson at Dwight Ramos ng tig-16 puntos, kalakip ng 7 rebounds at 5 assist mula kay Thompson at 4 rebounds at 6 assists mula kay Ramos.

Mga Puntos:

Chinese Taipei (95) – Chen 34, Gilbeck 16, Lin 14, Hinton 14, Gadiaga 5, Tseng 4, Hinton A 4, Ma 3, Hu 1, Liu 0, Gao 0, Chen 0

Gilas (87) –  Brownlee 19, Quiambao 17, Thompson 16, Ramos 16, Edu 8, Oftana 6, Newsome 3, Fajardo 2, Perez 0, Aguilar 0, Tamayo 0

Fantasy games are like being a team manager: pick real players and their stats become your score. Try this awesome Philippines Daily Fantasy game with PBA and MPBL players! (Click here to play)

- Advertisement -spot_img

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Martin Dale D. Bolima
Martin Dale D. Bolima
Martin is an avid sports fan with a fondness for basketball and two bum knees. He has been a professional writer-editor since 2006, starting out in academic publishing before venturing out to sportswriting and into writing just about anything. If it were up to him, he’d gladly play hoops for free and write for a fee.

Subscribe to the Rebanse Newsletter

- Advertisement -spot_img

Latest Article